Sam, John Lloyd maglalaban sa pagka-Best Actor

From Bandera
First Posted 07:30:00 03/08/2010
Filed Under:

Sam, John Lloyd maglalaban sa pagka-Best Actor

Christian nalungkot sa pag-alis ni Mark sa ABS

SOBRANG saya ngayon ni Sam Milby dahil bukod sa napakarami niyang projects ay heto at nominated pa siya sa pelikulang “And I Love You So” para sa kategoryang Best Actor sa 7th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.

Hindi naman nage-expect si Sam na manalo dahil alam niyang mahigpit ang mga makakalaban niya, kabilang na si John Lloyd Cruz na double nominations para sa “In My Life” at “You Changed My Life” at si Coco Martin para sa “Kinatay”.

Nag-pictorial din ang aktor para sa Folded &amp Hung Mediterranean Summer collection at kararating lang niya galing Japan kung saan siya nag-show para sa anniversary ng TFC Japan kasama sina Bugoy Drilon, Laarni Lozada, Giselle Sanchez at Zanjoe Marudo.

Ayon sa kuwento ng road manager niyang si Caress Caballero ay kilala pala sa Japan si Sam kaya pala siya ang most requested ng mga kababayan nating Pinoy doon dahil bukod sa may TV commercial siya doon ay nakadiyaryo rin siya sa leading Japanese newspaper na nagkalat sa lahat ng convenience stores.

“Tuwang-tuwa si Sam birthmate dahil jampacked ang Theatre 1010 sa Tokyo kung saan sila nag-show at gamit na niya ang binili niyang gitarang Taylor. Hayun, mas maraming nagpa-picture na Haponesa kaysa sa mga kababayan nating Pinay! Ha-hahahaha!” masayang sabi sa amin ni Caress.

‘Yun nga lang, sa ilang araw nina Sam sa Japan ay hindi siya nakapasyal dahil nagpahinga raw siya to the max dahil pagbalik niya ng Pilipinas ay dire-diretso na naman siya sa shooting ng “Babe I Love You” nila ni Anne Curtis na showing na sa April 3, kasabay din nito ang pagte-taping niya para sa seryeng Impostora kasama si Maja Salvador para sa Precious Hearts Romance.

Going back to Sam ay nalungkot din siya sa paglipat ni Mark Bautista sa GMA 7, kagrupo niya ang binata sa kanilang Sunday bible group study.

At sa tanong namin kung kumusta na ang puso niya ngayon na parating sinasaktan ni Anne? “Ha-hahaha! We’re friends.” ang mabilis na sagot ng actor.

Masuwerte si Binalonan (Pangasinan) Mayor Ramon Naval Guico na kumakandidatong Senador ngayon dahil bestfriend niya si Sen. Bong Revilla na talagang malaki ang tiwala sa kanya, kaya naman sa lahat ng kampanya ng actor-pulitiko ay lagi siyang kasama.

Sa panayam namin kay Mayor Guico ay natutuwa siya dahil hindi na niya kailangan pang kumuha ng mga artistang mage-endorso sa kanya para makilala at mapansin, sobra pa raw sa sapat ang pagtulong sa kanya nina Sen. Bong at Jolo Revilla.

“E, di lalo na nu’ng tinawag si Jolo sobra-sobrang sigawan ang tao dahil guwapo raw, kaya pakiramdam ko, guwapo rin ako,” birong sabi ni Mayor Guico.

Pamilyar si Mayor Guico sa amin dahil naging boss siya ng lola naming naging Chief Nurse at Guidance Counselor sa Quezon City Medical Center and College of Nursing na World Citi And Colleges na ngayon dahil doon na rin kami halos lumaki dahil lagi kaming kasama ng aming lola nu’ng nagwo-work pa siya doon. Nalaman namin na naging producer din noon ang alkalde, pero parang hindi naging maganda ang resulta nito.

“Nasubukan ko ring mag-produce noon at alam ko, matagal bumalik ang pera sa produksiyon. Kaya para mas maraming makapag-produce at mabigyan ng trabaho, gusto nating mas mapababa pa ‘yung tax sa pelikula,”.

E, kaya pala siya nagustuhan ni Sen. Bong dahil may malasakit din ang alkalde sa showbiz.

Isa si Christian Bautista sa nalungkot nu’ng malaman niyang lumipat na sa GMA 7 ang kaibigang si Mark Bautista. Aniya, “Siyempre, nakakalungkot kasi matagal kaming nagkasama sa ASAP at sa iba pang shows out of the country, but I wish him the best sa paglipat niya.

“Sana mabigyan siya ng tamang exposure sa GMA na hindi niya nakuha sa ABS, ganu’n talaga, you have to move on and I know naman Mark can make it.”

At dahil ilang beses din naming nasulat dito sa BANDERA na posibleng lumipat din si Christian sa TV5 dahil malaki rin ang offer sa kanya doon ay tinanong namin uli siya tungkol dito.

“Nope, I will stay with ABS, though I can guest naman sa TV5, hindi naman exclusive ang contract ko sa ABS, but I’ll stay pa rin with ABS. May offer talaga, pero hindi ako lilipat,” diin ni Christian.

3 Responses to “Sam, John Lloyd maglalaban sa pagka-Best Actor”

  1. Kylie Batt says:

    Прошу прощения, что вмешался… Я разбираюсь в этом вопросе. Можно обсудить….

    ……

  2. EnD1-524 says:

    EnD1-524…

    Очень хороший сайт по медицине http://topmeds.ru/, там много полезного видео…

  3. Kylie Batt1 says:

    Ваша фраза блестяща…

    http://rel” rel=”nofollow”> ……

Leave a Reply